Calapan

Calapan folk tumanggap ng P500K

October 8, 2023 Jojo C. Magsombol 403 views

NAGKALOOB ng P500,000 si Sen. Joel Villanueva sa mga taga-Calapan City sa pamamagitan ni Mayor Marilou Flores-Morillo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nasa kabuuang 𝟭𝟲𝟲 na benepisyaryo ang nakatanggap ng P3,000 sa isinagawang payout para sa mga Calapeño na ginanap sa City Mall activity center sa Bgy. Ilaya, Calapan City noong ng Oktubre 6.

Sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod ng Calapan kasama si City Councilor Atty. Jel Magsuci at sa pamamagitan ng Serbisyong Tama Center na pinamumunuan ni Administrator Peter Joseph Dytioco, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), matagumpay na naibaba ang tulong sa mga Calapeño na mula sa iba’t ibang sektor gaya ng Youth, TODA at Guardians.

“Naniniwala po ako na bago ako bumaba sa puwesto, habang ako po ang mayor ninyo tandaan n’yo po hindi ko po kayo pababayaan.

Laging nandyan po ako sa inyo kung anuman po ang pangangailangan ninyo,” sabi ni Morillo.

AUTHOR PROFILE