CalamBagong Buhayani Festival gaganapin sa Calamba Hunyo 10-19
“ANG CalamBagong Buhayani Festival ay may temang Isang Dekada ng Saya at Parangal sa mga Bayani ng Bayan at gaganapin sa Calamba City, Laguna sa darating na Hunyo 10 hanggang Hunyo 19, 2024.”
Ito ang inanunsiyo sa press conference na pinangunahan ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” Rizal nitong Martes. Iba’t ibang malalaking kaganapan sa 20 araw na pagdiriwang ang inorganisa ng lokal na pamahalaan katuwang ang pamunuan ng Sanguniang Panglungsod, City Tourism Office at Pag-unlad ng Palakasan sa mga gawaing Pangkultura .
Kasabay din nito ang pagdiriwang ng ika-163 kaarawan ni Gat Jose Rizal.
Handog sa Hunyo 8 ang CalamBagong Buhayani Caravan at sa Hulyo 10 naman ang Kusinang Calambeño kung saan tampok ang yaman ng lawa at iba pa.
Sa Hunyo 11 ay gaganapin ang Talinong Rizal -Quiz Bee at art painting competition.
Sa Hunyo 12 ay gaganapin ang pakikiisa sa 126th Philippines Independence Day, sa Hunyo 13, ang Kwentong Bayani at Rizal As an Educator at sa Hunyo 14, ang CalamBagong Job Fair sa SM.
Isasagawa rin ang streetdance showdown.
Pinakatampok ang Calambalagtasan sa Bayan gayundin ang Watawat ng Lahi Mass and Program nitong Hunyo 19. Magkakaroon ng floral offering sa iba’t ibang lokasyon sa pagdiriwang ng ika-163rd kaarawan ni Dr. Jose Rizal at Calambagong Bayani Awards night.
Tampok din ang River Run.
Siniguro ng pamunuan ng mga barangay at PNP na magiging mahigpit ang seguridad upang mapanatili ligtas ang mga dayuhan at mga lokal na turista pati na mga residente na dadalo sa mga kaganapan.