Angeli

Byuti ni Angeli, pinagpipiyestahan sa piniratang kopya ng ‘Silip’

February 3, 2022 People's Tonight 907 views

NAPIRATA na pala ang movie ni Angeli Khang na Silip Sa Apoy na streaming ngayon sa Vivamax.

Nakakuha ng kopya ng pirated movie ang isang kakilala namin.

Pero hindi ito galing sa mga ibinebentang CD o DVD na nakagawian na noong buhay na buhay pa ang movies.

Mula ito sa isang app na uso ngayon lalo na sa mga kabataan.

Ito rin daw ang app na madalas gamitin ng ibinebentang sex video ng ilang kalalakihan o kababaihan para magkapera, huh!

Sa totoo lang, gandang-ganda ang friends ko sa byuti ni Angeli. Kaya kahit may kalabuan ang pirated copy, eh, nagtitiis na lang sila.

VLOG SERIES KONTRA FAKE NEWS

PINASOK na rin ng character actress na si Dexter Doria ang vlogging. Ang bagong papel ngayon ni Dexter – Nana Didi – upang supilin ang fake news at information.

Ginawa ng beteranang aktres ang character na Nana Didi, isang retired public school teacher matapos makita ang post sa social media ng dati niyang estudyante.

“Happily retired na ako hanggang sa makita ko ‘yung posts ng dati kong estudyante sa social media sa sinasabing Tallano Gold, ‘Golden Years’ of Martial Law at pagkalat ng maling information sa social media.”

Kaya gagawa raw si Nana Didi ng series para mulatin ang mga mata ng publiko. Pinuri naman ng kanyang kapwa artista si Nana Didi at ibinahagi pa ang Didi Serye vlogs sa kani-kanilang social media gaya nina Pinky Amador, Rita Avila, Arman Ferrer, Mark Escutea ng Rivermaya at Bart Guigona.

Palaban na may konting komedya si Dexter sa kanyang Nana Didi serye vlogs, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE