‘Bystander effect’ tampok sa ‘Pasahero’
Ngayong Oktubre, inihahandog ng Viva Films ang “Pasahero”, na magpapakita ng “bystander effect”.
Sa pelikulang ito ng cult director na si Roman Perez Jr., mangyayari ang krimen sa loob ng tren kung saan may pitong pasahero na pwede sanang tumulong, pero mas piniling magbulag-bulagan.
Ito ay pagbibidahan nina Louise delos Reyes, Yumi Garcia, Katya Santos, Mark Anthony Fernandez, Andre Yllana, Keann Johnson, Rafa Siguion-Reyna, Dani Zee at Bea Binene.
Si Michelle (Louise), ay isang probinsiyanang umaasa ng magandang buhay sa Maynila. Pero sa pagsakay niya ng tren isang gabi, makukursunadahan siya ng isang lalaking may suot na maskara.
Dadalhin siya nito sa may dulong parte ng tren habang walang kibo ang ibang pasahero.
Si Angel (Bea), isang graphic at visual artist ay maraming online followers. Maaga siyang naulila at dahil sa trauma ng kanyang kabataan, nangako siya sa sarili na hindi na makikialam sa iba.
Sakay din ng tren si Trina (Katya) at ang kanyang sampung taong-gulang na anak na si Belle, (Dani). Hindi tutulong si Trina dahil sa takot sa kaligtasan ng kanyang anak.
Kung mayroong makakatulong kay Michelle, ‘yon sana ay si Tom (Mark Anthony), isang dating boksingero.
Malakas pa rin ang pangangatawan nito dahil nagtuturo ito sa mga batang gustong maging boksingero, pero sa harap ng kriminal, tila naging bato lang si Tom na hindi makagalaw.
Sa halip na magtulung-tulong ang tatlong magkakaibigang sina Martin (Andre), Alvin (Keann) at Drea (Yumi), pinili nilang ituon ang atensyon sa kani-kanilang gadget.
Si Alvin ay isang rich kid na tinuturing ang sarili bilang humanitarian habang si Martin, ay sinasabing may malawak na kaalaman sa lipunan, pero tulad ni Tom ay walang tapang.
Sa pagpapatuloy ng kwento, saksihan kung paano uusigin ng konsensiya ang mga pasahero. Bawat isa ay makakaranas ng kamalasan, pati ang kanilang mga mahal sa buhay.
Kung binigo man nila si Michelle noon, may magagawa pa kaya sila ngayon para makuha ng dalaga ang hustisiya?
Mula sa Viva Films at JPHLiX Films, ang “Pasahero”, na produced ng Studio Viva in cooperation with BLVCK Films at Pelikula Indiopendent, ay mapapanood na sa mga sinehan simula October 9.
Samantala, may pagkakataon na mapanood ang “Pasahero” nang libre. Sali na sa “Pasahero” Dine and Watch Promo.
Narito ang promo mechanics: 1. Dalawang cinema ticket ang ipamimigay kapag nakabili ng minimum na P2,000 sa participating branches ng Boteyju; 2. Ang promo ay mula September 20 hanggang October 20 o hanggang maubos ang supply; 3. Pwedeng ipapalit ang movie vouchers sa cinema tickets mula October 9 hanggang October 20 o hanggang sa huling araw ng “Pasahero” sa mga sinehan; 4. Ang mga voucher ay pwedeng ipapalit sa SM Cinemas; 5. Para lamang ito sa dine-in at take-out transactions; 6. Pwedeng ihalo sa ibang promo at discount; 7. Ang mga branch ng Boteyju ay maaaring mabago sa loob ng promo period.
Namnamin ang sarap ng mga pagkain sa Viva Foods, kasabay ng pagdiskubre at paghahanap ng hustisya ng mga “Pasahero,” palabas na sa mga sinehan sa October 9.