Bomb Source: Radyo Pilpinas FB post

Butuan airport binulabog ng bomb threat

August 16, 2024 Jun I. Legaspi 655 views

PATULOY ang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at mga pulis para matiyak na walang bomba sa Butuan Airport kahit na negative sa bomba ang paliparan.

Sa ulat ng Butuan Airport Police Station (BAPS), nakatanggap sila ng text message bandang alas-5:14 ng hapon na nagsasabing may bombang inilagay sa comfort room ng boarding area at sa mga bagahe ng mga flight mula Cebu at Maynila.

Nag-activate ang Incident Command System upang i-coordinate ang emergency response at mapangasiwaan ang sitwasyon nang maayos.

Pinaigting ang seguridad sa paliparan at pinakilos ang CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) para suyurin sa bomba ang airport.

Tumulong sila sa BAPS sa pagtukoy ng anumang mga iniwang bagahe at kahina-hinalang aktibidad habang nagsasagawa rin ng covert surveillance sa loob ng Passenger Terminal Building.

Nagsagawa rin ang BAPS ng paneling at clearing operation sa boarding area, kabilang na ang lahat ng comfort rooms, check-in counters at baggage build-up areas pero negatibo sa anumang explosive materials ang airport.

AUTHOR PROFILE