Business One-Stop Shop extended hanggang Feb. 24 sa Antipolo City

January 19, 2022 People's Tonight 172 views

KAY GANDANG balita sa mga business owners sa Antipolo City dahil extended na ang pagkuha at pag-renew ng business permit hanggang February 24, 2022. Inanunsyo ni Mayora Andrea “Andeng” Ynares sa kaniyang Jun-Andeng Ynares official Facebook Page na extended ang Business One-Stop Shop (BOSS) 2022 hanggang sa susunod na buwan upang bigyan pa ng pagkakataon ang mga business owners na asikasuhin ang kanilang business permit.

Bukod dito, naging malaking tulong din ang tax relief na ibinigay ng pamahalaang lokal sa mga private schools at maliliit na negosyo na may kabuuang benta na P200,000 pababa habang may pandemya. Wala na silang babayarang business taxes at iba pang fees sa business permit renewal.

Hinikayat din ni Mayora Andeng ang online transactions at scheduled appointment sa pagbabayad ng taxes para maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19. Pumunta lamang sa website ng Antipolo City Online Services at mag sign-up.

“Kindly refer sa ating mga naunang Facebook post para sa mga requirements na kailangan niyong i-prepare at iba pang guidelines para sa online transactions at scheduled appointment transactions,” sabi ni Mayora Ynares.

Dagdag pa ng mayora na nauunawaan ng lokal na pamahalaan ang mga business establishments na ngayon lamang bumabawi at marami ang nag-iingat sa pandemya na dulot ng COVID-19. Mas dapat aniya na maging maingat sa bawat transaksyon para hindi mahawa sa bagong variant na Omicron.

AUTHOR PROFILE