Default Thumbnail

Bus vs truck; konduktor kamay naputol, 7 sugatan

August 9, 2023 Edd Reyes 451 views

PITO katao ang nasugatan matapos ang gitgitan sa pagitan ng isang pampasaherong bus at trailer truck sa Gerona Tarlac.

Apat sa mga biktima ay isinugod sa Tarlac Provincial Hospital at tatlo sa Central Luzon Doctor’s Hospital.

Batay sa ulat ng Gerona Municipal Police Station, naganap ang insidente dakong 1:30 ng madaling araw sa Manila North Road sa Barangay Caturay, Gerona Tarlac.

Kapwa binabaybay ng Dagupan bus (AA1-1899) at HOWO trailer truck (NFL 8307) ang kalsada patungong hilaga nang maganap ang aksidente.

Sinusundan umano ng bus ang trailer truck na lumiko pakaliwa subalit sa halip na huminto at hintaying makaliko ang truck ay nagtuloy-tuloy ang bus dahilan upang gumitgit ito sa katawan ng trailer truck.

Dahil sa insidente, nag-apoy ang gilid ng bus at nahirapang lumabas ang mga pasahero.

Ayon sa ulat, kinailangang basagin ang mga bintana ng bus upang makalabas ang mga pasahero.

Bukod sa konduktor na naputulan ng kamay, nailigtas naman lahat ang mga pasahero ng bus.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang bigyang linaw ang aksidente.

AUTHOR PROFILE