Default Thumbnail

Bus tumagilid; dean dedo, nursing students sugatan

July 11, 2023 Zaida I. Delos Reyes 421 views

PATAY ang isang college dean habang sugatan naman ang ilang pasahero na karamihan ay mga nursing students matapos na masangkot sa vehicular accident ang sinakasakyang bus nitong Lunes ng gabi sa Tarlac- Pangasinan Expressway (TPLEX).

Nakilala ang nasawi na si Ulpiatrasinia Tuson, program head ng School of Health and Sciences sa Abra.

Isinugod sa pagamutan ang iba pang biktima na nagtamo ng bali sa iba’t ibang sugat at bali sa katawan.

Batay sa ulat ng Tarlac Police, galing ang mga biktima sa Abra at patungo sana sa Manila nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng bus dahilan upang tumagilid ito .

Dahil sa matinding pagtagilid, nagkalas-kalas ang katawan ng bus dahilan upang magtamo ang mga biktima ng grabeng sugat sa katawan.

Napag-alaman na ang mga biktima ay mula sa Divine Word College sa Bangued.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang bigyang linaw ang insidente.