Default Thumbnail

Bus terminal pinasabog ng rider, barker sugatan

August 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 221 views

SUGATAN ang isang barker sa pagsabog ng granada na inihagis ng hindi pa nakikilalang rider sa main entrance ng bus terminal nitong Lunes ng umaga sa Cotabato City.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center.

Sinabi ni Police Major John Vincent Bravo, hepe ng Police Station 2 ang insidente ay naganap dakong 5:00 ng umaga sa gate ng Husky Bus terminal na matatagpuan sa national highway ng Esteros District.

Ayon sa mga nakasaksi, isang lalaki na lulan ng isang motorsiklo ang naghagis ng granada sa lugar.

Kasabay ng pagsabog, mabilis na tumakas ang suspect.

Tinamaan ng shrapnel ang isang passenger van na nakaparada sa labas ng terminal.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.