Bus Photo credit: Screen grab sa Facebook

Bus nahulog sa bangin sa Antique; 15 patay, 10 sugatan!

December 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 378 views

HINDI bababa sa sampung tao ang nasawi habang marami din ang nasugatan matapos na mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus nitong Martes ng hapon sa Hamtic, Antique.

Batay sa inisyal na ulat ng PNP, dakong 4:00 ng hapon nang mahulog ang Ceres Bus sa Igbucagay, Hamtic , Antique.

Lulan ng bus ang 25 pasahero na patungo sana sa bayan ng San Jose.

Sa inisyal na ulat, kasama sa nasawi ang driver at konduktor ng bus.

Sinasabing nawalan ng preno ang bus kung kaya’t bumulusok ito sa malalim na bangin.

Lumagpak ang bus pataob sa bangin kung kaya’t nahirapan ang mga rescuer na makuha ang mga biktima.

Patuloy ang isinasagawang rescue operation sa mga biktima.

Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang aksidente.