Susan

Buong showbiz nagluluksa sa pagpanaw ni Susan

May 21, 2022 Aster Amoyo 138 views

Susan1

NAGLULUKSA ang buong showbiz sa pagpanaw ng movie queen and well-loved actress na si Ms. Susan Roces sa edad na 80 noong Biyernes nang gabi.

Si Tita Susan ang kabiyak ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. Sila ay itinuturing na mga haligi ng Philippine movie industry.

Kabilang sa memorable movies ni Tita Susan ay Ang Daigdig Ko’y Ikaw, Prinsesang Gusgusin, Debutante, Patayin sa Sindak si Barbara, Maruja, Maligno at Mano Po 2.

Nagwagi siya ng dalawang Famas Best Actress award at ginawaran din ng Lifetime Achievement Award.

We will definitely miss Manang Inday (pet name ni Tita Susan) na ninang ng aming anak na si Aila Marie Amoyo Reyes-Cristobal. I have always been a big fan of the late Movie Queen and her late husband, Movie King Fernando Poe, Jr. Soar high in heaven together with Kuya Ron and your other departed loved ones.

Kabilang sa mga actor na nakatambal niya ay sina Eddie Gutierrez, Romeo Vasquez at ang kanyang asawa na si FPJ.

Nakikiramay po kami sa pamilya ni Manang Inday.

Ang wake ni Manang Inday ay sa Heritage Park sa Taguig City simula kahapon, Saturday, May 21 (6pm-10 pm), Sunday, May 22 (10 am – to 10pm) until Tuesday, May 24 (10 am – 10 pm).

Internment schedule will be announced separately once schedules have been finalized.

Ronnie

Ronnie hinamon ang ilang magkarelasyon

SA presscon ng “Love in 40 Days” kung saan bida sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay tinanong si Ronnie kung bakit nila naisipan na aminin sa publiko na mayroon silang relasyon.

Sabi ni Ronnie, para sa kanya ay hindi magandang tignan na hindi niya maamin sa publiko na siya ay may girlfriend samantalang they hold hands in public.

Nahihiya raw siya na itinatago nila ang kanilang relasyon tapos pag may nagtanong kung sila na ay kailangan nilang magsinungaling at sabihin na friends lang sila.

“Mas maganda ‘yung magsabi na lang kami ng totoo at huwag na naming itago ang totoong status ng aming relasyon,” sabi pa ni Ronnie.

Huwag na raw magsinungaling. Ang challenge nga ni Ronnie sa ibang loveteams ay aminin na kung ano ang totoong status ng kanilang relasyon.

Sabi pa ni Ronnie, kahit na maraming silang pinagdaanang pagsubok ni Loisa ay nanatili silang matatag. Going six years na ang relasyon nila. Dahil honest sila sa isa’t-isa at open ang communication lines parati ay mas naging maayos ang kanilang relasyon.

“Love in 40 Days” will premiere on May 30 on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5, with two-day advanced episodes on iWantTFC.

‘IAMK’ homage ni Direk Richard bilang artist

KWENTO ni Direk Richard Somes nagbalik siya sa pagpipinta as his healing process noong panahon ng pandemya hanggang naisip na muling gumawa ng pelikula.

Isinulat niya ang kwento ng “Ikaw Lang Mahal” bilang homage sa kanyang journey bilang isang painter at filmmaker. Dati pa raw siyang amazed sa buhay ng mga artists back in Bacolod.

“I came in full circle in my journey as an artist which I reflected sa character ni Zanjoe kasi yun ang question ko ever since. My question is who am I? Artist ka ba talaga o you just want to belong to something? Cool maging artist but do you have what it takes to be an artist?”

Dream collaboration daw niya itong Ikaw Lang ang Mahal with Viva. Istorya raw ito ng “the one who got away.”

Tampok sa movie sina Kylie Versoza, Zanjoe Marudo at Cara Gonzales.

AUTHOR PROFILE