Bong Go

‘Buo ang aking suporta sa PBBM admin’–Bong Go

July 1, 2022 People's Journal 63 views

Bong Go

Nakibahagi si Senator Christopher “Bong” Go sa dalawang makasaysayang pangyayari sa bansa nang makasama niya si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa huling araw sa Palasyo ng Malacañang at personal na sinaksihan ang panunumpa ni Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Pambansang Museo sa Lungsod ng Maynila.

“Pumasok na tayong mga Pilipino sa bagong kabanata ng ating bansa. Nasa ilalim na tayo ng bagong administrasyon matapos manumpa ang ating bagong pinakamataas na lider, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sinimulan ni dating Pangulong Duterte ang araw sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanyang kahalili sa Palasyo bago tinanggap ang kanyang mga karangalan sa pag-alis.

Pagkatapos ng pulong, tumuloy si Go sa inaugural ceremony kung saan nasaksihan niya ang panunumpa ni Marcos sa pwesto sa harap ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sa kanyang inaugural speech, nangako si Pangulong Marcos sa mga Pilipino na tutuparin ang kanyang mandato bilang pinuno ng bansa at gagawin ang kanilang mga pangarap na kanya ring pangarap.

“Ang mga kampanyang pinatakbo ko ay dinala ako dito, kung saan ako nakatayo ngayon. Nakinig ako sa iyo at ito ang aking narinig: Nais nating lahat ang kapayapaan sa ating lupain. Gusto mo at ng iyong mga anak ng magandang pagkakataon sa isang mas magandang buhay, sa isang mas ligtas, mas maunlad na bansa. Lahat nang iyon ay abot-kamay ng isang masipag, mainit-init, at mapagbigay na lahi. Ang iyong mga pangarap ay akin. Ang pangarap n’yo ay pangarap ko,” ayon kay Marcos.

“Pinili ninyo ako upang maging inyong lingkod upang bigyang-daan ang mga pagbabago upang makinabang ang lahat. Lubos kong nauunawaan ang bigat ng responsibilidad na iniatang ninyo sa aking mga balikat. Hindi ko basta-basta, ngunit handa ako sa gawain,” anang bagong Pangulo.

Samantala, nangangako rin si Go na patuloy na tutulong sa bagong administrasyon na makamit ang kailangang makamit upang magarantiya ang pag-unlad at pagbangon ng bansa.

“I look forward to working hard with my fellow legislators and helping realize the aspirations of your administration for our people. I will push for various bills that will further strengthen our adaptability and resilience as one nation, particularly in health, infrastructure, food security, economy, better governance and welfare of our people, among others,” ayon kay Go.

“With a solid foundation inherited from the Duterte administration, paraphrasing your inaugural speech, we will build on the successes that are already happening in our country, continue to make the lives of our people more comfortable, and ensure that no Filipino will be left behind in our road towards fuller recovery,” ipinagdiinan niya.

Sinabi rin ni Marcos sa kanyang talumpati na ang kanyang administrasyon ay nakatuon sa muling pagpapatatag sa bansa.

Kumpiyansa naman si Go na sa kabila ng mga hamon na dulot ng pandemya at iba pang krisis, mahusay at epektibong magagampanan ng administrasyong Marcos na ibangon muli ang bansa.

“Mr. President, kaisa ninyo ako na ipagpapatuloy ang mga tamang nagawa, punuan pa ang anumang pagkukulang at mas lalong pagbutihin ang ating pagseserbisyo upang lubos na maisakatuparan ang mga pangarap ng bawat Pilipino,” paniniyak ni Go.

“Ako po ay full support sa ating bagong administrasyon dahil nabanggit nga niya yung pangarap ng bawat Pilipino ay pangarap niya rin po. Ako rin po, pangarap ko rin po na sana ay mabigyan ng maginhawang buhay ang bawat Pilipino, lalo na ang mga mahihirap. Asahan niyo po ang aking suporta. Kung ano po ang suporta ko sa administrasyong Duterte, susuportahan ko rin po ang administrasyon ni Pangulong Marcos basta po sa mga programang makatutulong sa mga mahihirap,” ayon sa senador.

AUTHOR PROFILE