Kris1

Bunso ni VG Marc, nagbabakasyon sa bahay ni Kris sa US

August 8, 2023 Vinia Vivar 218 views

“Masarap magmahal si Kris.” Ito ang pahayag ni Batangas Vice Governor Marc Leviste patungkol kay Kris Aquino.

Sa mahabang panayam ni Butch Francisco para sa kanyang vlog, nagbahagi ang politiko ng ilang bagay tungkol sa relasyon nila ni Kris na hindi pa nalalaman ng mga tao.

Ipinagtapat niyang matagal na niyang crush si Kris at dati na niya itong binibisita sa condo nito sa BGC.

“I would visit her regularly, send her food and flowers,” pagbabahagi ng bise gobernador.

“Noon pa man ay malaki na ang paghanga ko sa kanya,” aniya pa.

Pero nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan nito lamang January 1 nang bisitahin niya ito sa Los Angeles.

“I texted her days before New Year, I said ‘I’m in town, can I visit you?’ Lo and behold, she replied and allowed me to go to her place. And the rest, as they say, is history. Now, this is our 7th month, going 8th, because August na,” pagbabahagi niya.

Since then ay halos araw-araw na raw silang magkausap.

“Even when I went home from LA to Manila, we were communicating regularly. Wala yatang araw na hindi kami magka-chat or magkausap, minsan video call,” kwento pa ni VG Marc.

Bagama’t may sarili siyang bahay sa US located in Hollywood, he stays with Kris sa LA kapag naroroon siya para nga samahan at alagaan ito.

Kasama rin nila ang kani-kanilang mga anak and in fact, close na close raw ang kids niya kay Kris, gayundin sa dalawang anak nito na sina Joshua and Bimby.

“My children have developed a distinct and special relationship with Kris and her boys meaning, Kuya Josh and Bimb, ganundin sa mga kasamahan ni Miss Kris, they have developed a relationship of their own, separate and other than what we have,” he said.

Ang youngest niyang si C2 ay kaedad ni Bimby kaya madali raw nagkasundo ang dalawa.

May tatlong anak si VG Marc – si Ronin, 24 years old at incumbent mayor ng Lian, Batangas, si Arielle na kanyang unica hija, 22 at based sa US, at si C2, 16, na nag-aaral dito sa Pilipinas pero sa ngayon ay nakabakasyon sa Amerika at nakatira kay Kris.

Nilinaw din ng politiko na divorced siya, very much single at walang kasabit-sabit. Aniya, very loyal siya kay Kris at wala raw ibang babae sa buhay niya kundi ito.

Naitanong din sa kanya ang Cartier Trinity ring na bigay ni Kris na suot-suot niya. Aniya, nag-promise siya kay Kris na hindi niya ikukuwento ang tungkol dito.

But then, si Kris na mismo ang umamin na binigyan nga niya si VG Marc ng singsing.

“This trinity ring comes in three and it symbolizes love, friendship and fidelity,” paliwanag niya habang ipinapakita ang ring.

Asked kung kaya ba niyang panindigan ang fidelity, mabilis na sagot ng politiko, “Yes, of course, fidelity, loyalty, yes.”

Nagkakaroon din ba sila ng away? Ayon kay VG Marc, never siyang nakipag-away kay Kris.

“I never fight with her. Sometimes, she misinterprets my discussion as an argument or as you said, as fighting, but God is my witness, I never put up a fight against Kris. But yes, there are times that we argue on some issues,” aniya.

“Halos lahat ng bagay ay aming napag-uusapan. Kaya naman masarap ding kausap si Kris and she’s a very well rounded, well versed, very intellectual knowledgeable person. She can talk about anything and everything under the sun, may it be politics, domestic politics, global or geo-politics and she’s also very familiar with economics, with the economy, again domestic and foreign.

“Masarap kausap si Kris, masarap kasama si Kris at masarap magmahal si Kris,” pahayag pa ng politiko sabay-tawa na parang kinikilig.

Babalik daw siya sa LA sa Sunday to be with Kris again kaya naitanong sa kanya ni Butch kung ‘hello’ na ba ulit at hindi naman pala nagkaroon ng ‘goodbye’ tulad ng post ni Kris kamakailan?

“’Yung ‘pause’ na sinabi niya? Ewan ko,” napapailing at nakangiting sabi ni VG Marc.

“Ayokong mag-comment. Ako, ipapasa-Diyos ko ‘yan. I leave my life, even our relationship and status, to God,” he said smiling.

Pagkatapos nito ay naging seryoso na ang politiko and said, “Una sa lahat, ang priority ko naman talaga, ‘yung kanyang paggaling. Kung ako’y nakakatulong man sa kanyang paggaling, ‘yun talaga ang pangarap ko. ‘Yun talaga ang aking minimithi. Na gumaling siya sa lalong madaling panahon at mabigyan ako ng biyaya ng ating Panginoon na gamitin ako para sa kanyang paggaling.

Anuman ‘yun, Diyos na ang bahala.”

AUTHOR PROFILE