Leyte Source: FB post

Bumaril sa municipal administrator sa Leyte arestado na ng NBI

August 9, 2024 Jonjon Reyes 97 views

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang indibidwal na umanoy bumaril at nakapatay sa isang municipal administrator sa San Isidro, Leyte noong May 2029.

Sinabi ng NBI na naaresto ang lalaki na wanted sa pagpatay kay Municipal Administrator Levi Mabini sa Barangay Capinahan,san Isidro noong may 8,2019.

Sa ulat, si Mabini ay kararating lamang sa bahay ng dating mayor na si Susan Ang nang mangyari ang pamamaril habang sakay ng motorsiklo.Tatlong iba pa ang sugatan sa pag-atake.

Nangyari ang insdente halos isang linggo bago ang 2019 general elections kung saan natalo ng isang boto lamang si Ang.

Sinabi ng NBI na ang kaso ay inilipat sa Quezon City Regional Trial Court Branch 5 kalaunan na siyang nag-isyu ng arrest warrant laban sa umanoy mga salarin.

Kasunod nito, nagsagawa ang NBI-Eastern Visayas regional Offive (EVRO) ng manhunt operation at natukoy ang kinaroroonan ng suspek at naaresto sa Barangay Linao,San Isidro makalipas ang ilang taong pagtatago.

AUTHOR PROFILE