Angela Larawan mula sa IG/Angela Morena

Bum-tastic!

February 11, 2025 People's Tonight 214 views

FANTASTIC! Walastik!” ang iniharap sa camera na “behind” ng Vivamax actress na si Angela Morena.

“She’s just a girl and she’s on fire,” ang sigaw ng netizens sa naglalagablab na hotness ng hot actress sa isa sa kanyang Instagram post.

Makikita si Angela sa mga larawang kanyang ibinahagi na kabogera sa pag-awra. Walang mintis ang kanyang rapsang katawan sa suot na bra’t T-back style panty, pinaresan niya pa ito ng fishnet stockings.

Todo pose ang bebot habang nasa hagdan, ipine-flex ang matambok niyang “bum.” Kaya nga ganoon na lang ang mabilis na pag-akyat ng libido ng mga barako matapos tingalain ang mataas na buhos ng kanyang sex appeal.

Nakaramdam nga ng sarap ang mga kelot sa kanyang comment section. Niratrat nila ng papuri ang ganda ng kanyang mukha at pigura.

Tampok si Angela sa kalalabas pa lang na Vivamax original film na “Sponsor,” sa direksyon ni Albert Langitan. Kasama niya ang iba pang bituin na sina Micaella Raz, Jem Milton, at Van Allen Ong.

Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala rin si Angela sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Hunter, Ahasss (2023) at Japino (2023).

AUTHOR PROFILE