Empedrad Marina administrator retired Philippine Navy chief Roberto Empedrad

Bulok na sistema sa Marina tinuldukan na ni Empedrad

February 9, 2022 People's Tonight 505 views

TulfoLINGID sa kaalaman ng karamihan halos lahat daw ng mga seaman ngayon ay natutuwa dahil sa malaking pinagbago na raw sa sistema sa loob ng Maritime Industry Authority (Marina).

Simula raw ng maupo bilang administrator ng Marina si retired Philippine Navy chief Roberto Empedrad nawala na ang bulok na kalalaran sa nasabing ahensya.

March 2020 nang iluklok ni Pangulong Duterte ang kare-retire lang noon sa Navy na si Vice Admiral Empedrad.

Kuwento ng seaman na si 3rd Engineer Moises, “ Dati-rati ubos ang bakasyon namin sa pagkukuha ng mga clearance at permit dito sa marina dahil inaabot kami ng higit isang linggo pabalik-balik dito”.

“Kaya yung bakasyon namin na one month, mababawasan ng isang linggo dahil sa marina”, aniya.

Pero pag-upo raw ni Empedrad, naging online na lahat ng pagpasa ng mga requirements para sa clearance at iba pang dokumento tulad ng seaman’s book.

Aantayin na lang daw ng seaman ang tawag ng Marina after a few days para kunin na nila ang kanilang mga nilalakad o inaayos na mga dokumento.

“Sabi nga sa loob ng Marina, gusto raw kasi ni Admiral Empedrad na igugol namin ang lahat ng bakasyon namin sa aming pamilya at hindi sa ahensya”, natutuwang pahabol na pahayag ni Engineer Moises.

Ayon sa ilang impormante ko sa loob ng marina, inalis ni Empedrad ang “lagayan” o “padulas” system sa loob ng ahensya.

Tinuldukan din niya ang ilang hanapbuhay ng mga “fixer” dahil sa ginawa niyang online na ang pagpasa ng mga requirements ng mga seaman.

Kilala si Empedrad na kontra sa mga mabagal na proseso at korapsyon kahit noong ito ay nasa Navy pa.

Kwento ng isa niyang kasamahang opisyal sa Navy na ayaw magpakilala, minsang inalok ng mga trader si Empedrad noong tenyente pa lamang ito na ibenta ang krudo ng barko sa kanila.

Sagot daw ni Lieutenant Junior Grade Empedrad, “Baka ayaw nyo ng sikatan ng araw?”

Ganun din daw ang ilang smuggler sa Mindanao noon na inalok ito ng ilan milyon para wag silang hulihin pero binalaan daw ni Empedras sila na papalubugin ang kanilang mga banka kapag pinilit nilang magpasok ng kontrabando sa bansa.

Hindi nga nagkamali si Pangulong Duterte sa pagtalaga kay Admiral Empedrad bilang Marina chief dahil binago at pinaganda nya ang sistema sa loob nito.

Mabuhay ka marina Administrator Empedrad!!!. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE