Bully hinambalos ng dos por dos ng biktima, patay

November 15, 2021 Francis Naguit 81 views

HINDI na nakuhang makapag-pasensiya ng isang 27-anyos na scavenger sa pambubully umano ng miyembro ng Sputnik Gang kaya’t hinataw niya ito ng dos por dos sa Binondo, Manila, Linggo ng gabi.

Basag ang bungo ang biktimang may alyas ” Jayjay ” nasa 40-45 anyos at may taas na 5’3.

Matapos ang mahaba-habang habulan, binitbit ng mga barangay tanod ang itinuturong suspek na nakilalang si Bonie Dionedios, 27, ng Blk 2, Lot 26, Burol 2, Dasmarinas, Cavite.

Base sa ulat ni Det. Boy Niño Baladjay, ng Manila Police District – Homicide, naganap umano ang insidente bandang 9:45 p.m. sa panulukan ng Juan Luna at Ongpin St. sa Binondo

Isa umanong concerned citizen ang nagsumbong kay Dominador Santos, BPSO at Bernie Pilapil, barangay tanod, na may nagaganap na komosyon sa lugar.

Inabutan ng mga otorodad na hinahataw ng suspek ang biktima at nang makita ang mga tanod ay tumakbo ito kaya hinabol at naaresto.

Itinurn-over ang suspek sa MPD-PS 11 at kalaunan ay inilipat na sa pangangalaga ng MPD-HS para sa pagsasampa ng kasong murder. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE