Bulkang Taal nagbuga ng sulfur dioxide flux
NAGBUGA ng kabuuang 4,666 tonelada ng sulfur dioxide flux ang Bulkang Taal sa Batangas noong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes.
Batay sa pinakahuling bulletin ng PHIVOLCS, isang volcanic earthquake din ang naitala sa Taal Volcano mula alas-12 ng umaga noong Lunes hanggang alas-12 ng umaga nirong Martes.
Nakabuo din ito ng katamtamang 900 metrong tall plume, at tinangay ng hangin patungong silangan-hilagang-silangan at hilagang-silangan.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang Taal Caldera ay nanatiling may pangmatagalang deflation, habang ang pangkalahatang hilaga at timog-silangan na bahagi ng Taal Volcano Island ay may panandaliang inflation.
Ang Bulkang Taal ay kasalukuyang nasa Alert Level 1 na may “low-level unrest.”
Ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, na itinuturing na Permanent Danger Zone (PDZ), at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS na maaaring magkaroon ng mga panganib tulad ng steam-driven o phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
Samantala, ang Bulkang Kanlaon ay nagbuga rin ng kabuuang 3,616 tonelada ng sulfur dioxide flux noong Lunes.
Ang bulkan, na matatagpuan sa Isla ng Negros, ay nagkaroon din ng tatlong lindol sa nakalipas na 24 na oras, at nakabuo ng katamtamang 300 metrong tall plume na napadpad sa silangan, habang ang edipisyo nito ay nanatiling napalaki.