Bulalo Ipinakita ng 15 restaurants sa Tagaytay City ang kani-kanilang bersyon ng bulalo sa Bulalo Challenge na ginanap sa Skyranch Tagaytay sa Maharlika Highway, Tagaytay City nitong Sabado, September 14, 2024. Kuha ni DENNIS ABRINA

Bulalo with kimchi champion sa Bulalo Challenge sa Tagaytay

September 14, 2024 Dennis Abrina 569 views

TAGAYTAY CITY, Cavite–Tinanghal na champion ang Sol Victoria restaurant dahil sa entry nitong bulalo with kimchi sa Bulalo Challenge na ginanap sa syudad na ito noong Sabado bilang pagdiriwang ng World Tourism Month.

Second place ang ang Juddies Bulalohan at 3rd place ang Summit Ridge Hotel.

Labinlimang restaurant na nagseserve ng bulalo sa syudad na ito ang lumahok sa Bulalo Challenge na inorganisa ng Tagaytay sa pakikipagtulungan ng Skyranch noong Sabado.

Bawat isa sa 15 restaurants nagpakita ng iba’t-ibang twist ng pagluluto ng bulalo.

Ayon sa Local Tourism Office, layunin nito na maakit ang mga turista sa pamamagitan ng pagdiriwang ng sikat na bulalo ng Tagaytay na may malikhaing interpretasyon mula sa 15 lokal na restaurant sa lokalidad.

‘The Bulalo Challenge aims to showcase their kind of bulalo that they serve in their restaurants. But of course iba ang oldtimer kind of bulalo na ibinabalik ng mga turista dito sa Tagaytay,” sabi ni Vice Mayor Agnes Tolentino.

Mga eksperto sa culinary, kritiko sa pagkain at mga lokal ang judges sa contest. Sinuri at tinikman ng mga celebrity chef ang luto ng bawat entries.

May daan-daang mga restawran na nag-aalok ng bulalo at tawilis sa Tagaytay.

Ang mga nanalo ay hinati sa dalawang kategoryang Judge’s Choice at People’s Pagpipilian.

Ang nangungunang 3 mga entry sa bawat kategorya ay kinikilala para sa kanilang Pagkamalikhain, 50%, Panlasa, 30% at Pagtatanghal, 20%.

AUTHOR PROFILE