
BUHAWI!
21 bahay wasak sa Ilocos Sur
WINASAK ng malakas na buhawi ang may 21 bahay sa dalawang bayan ng Ilocos Sur nitong Huwebes.
Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Office, dinaanan ng buhawi ang Barangay Lubong, San Vicente, Ilocos Sur, kung saan 18 bahay ang nasira.
Pinakamatinding napinsala ang bahay ni Barangay Chairman Cristobal Remalos.
Dumaan din ang buhawi sa San Ildefonso kung saan nawasak ang tatlo pang kabahayan sa Bgy. Poblacion East.
Aabot din sa 24 katao mula sa dalawang bayan ang naapektuhan ng buhawi.
Patuloy naman ang pagtutulungan ng mga awtoridad upang maisaayos ang mga napinsala ng buhawi at mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente.