
Buffalo Kids sobrang heartwarming kahit animated film
MULI nanamang gumawa ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang pinakaunang Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas.
Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t-ibang genres — mapa-aksyon, comedy, drama, at marami pang iba — sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa Buffalo Kids.
Aligned ito sa misyon ng studio sa paggawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films.
Sa direksyon ni Gabo Galdochi at sa ilalim ng produksyon ni Pedro Solis, ang Buffalo Kids ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo.
Tampok sa Buffalo Kids sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham. Sumikat ito matapos ipalabas sa Annecy International Animation Film Festival nuong June 2024 at mabilis itong naging paborito sa Europe at Asia. Ngayon mapapanood na ng pamilyang Pilipino ang adventurous at heartwarming na istoryang ito sa pagdala ng Nathan Studios sa Buffalo Kids sa mga lokal na sinehan simula ngayong Pebrero 12. At gaya ng sabi nila sa socmed kamakailan,
“We’re going on a wild adventure! Heroes and villains! Buffalos in the middle of nowhere! And special friends along the way.”
Sa pangakong ito, nagbibilang na ng araw ang bawat pamilya hanggang maipalabas ito.