Budget ni VP Sara dinagdagan pa
NADAGDAGAN pa ang budget ni Vice President Sara Duterte sa taong 2024.
Bwelta ito ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa pahayag ni Duterte na kaya siya nagbitiw sa puwesto bilang kalihim ng Department of Education dahil sa mishandling o hindi tamang paghawak ng pondo.
Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Pangandaman na nasa P711 bilyon lamang ang budget ni Duterte sa National Expenditure Program. Pero tumaas aniya ito sa P715 bilyon pagdating sa General Appropriations Act.
Kaya aniya tumaas ang pondo ni Duterte dahil sa implementasyon ng Matatag curriculum program ng DepEd.
Ayon kay Pangandaman, iginagalang ng DBM ang pasya ng mga mambababatas nang dagdagan ang pondo ng DepEd.
Tiyak aniyang dumaan sa masusing pagbusisi ng mga mambabatas ang pondo.