BRP Melchora Aquino dadating Hunyo 1

May 22, 2022 Jonjon Reyes 90 views

INAASAHANG darating sa Pilipinas ang MRRV-9702 o BRP Melchora Aquino mula Japan sa Hunyo 1.

Sa kasalukuyan, naroon ang Philippine Coast Guard (PCG) inspection team para sa huling “harbor acceptance test and inspection” ng MRRV-9702.

Ayon sa PCG, May 27 maglalayag ang naturang barko papuntang Pilipinas.

Sinabi ni CG Commander Patrick Babag, Commanding Officer ng MRRV-9702, na mahalaga ang isinasagawang inspeksyon para masigurong “fully compliant” ang barko sa technical specifications na nakasaad sa kontrata.

Ang MRRV-9702 ay ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng PCG.

Naka-modelo ito sa Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard (JCG), may bilis na ‘di bababa sa 24 knots, at may endurance na ‘di bababa sa 4,000 nautical miles.

Noong ika-6 ng Mayo 2022, kinomisyon sa serbisyo ang unang 97-meter MRRV, ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).

Ayon kay Coast Guard Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, gagamitin ang dalawang barkong ito para mapalakas ang maritime security, maritime safety, maritime law enforcement, maritime search and rescue, at marine environmental protection capabilities ng PCG. Ni JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE