Del prado

Broadsheet humingi ng paumanhin sa broadcaster

August 4, 2021 People's Tonight 250 views

HUMINGI ng paumanhin ang Philippine Daily Inquirer (PDI) sa broadcaster na si Melo del Prado, ng dzBB Radio-GMA Network, dahil sa mga artikulong inilathala nito noong Marso 2014 na nagsasaaad na nakinabang siya mula sa ‘pork barrel’ o Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Anang PDI, sa isinagawang beripikasyon ng mga dokumento, lumilitaw na ang Nabcor ay pumasok sa ilang advertising contracts sa iba’t ibang media print at radio outlets para sa kanilang “Barangay Bagsakan-Bagsakan Center” advertisement.

Hindi naman anila makikita na ang bayad sa naturang advertisement ay mula sa PDAF at maging ang PDI at sister publication nito na Bandera ay naglathala rin ng kahalintulad na advertisement.

“The payments for the advertisement do not show that they came from the PDAF. The Philippine Daily Inquirer and sister publication Bandera have also published similar advertisements placed by Nabcor,” anang PDI.

“The documents do not show that Mr. Del Prado received payoffs or benefitted from the PDAF. We regret the inconvenience and adverse effects that the news reports may have caused Mr. Del Prado, his family, GMA Network and colleagues in the media,” dagdag pa nito.

Tinanggap naman ni Del Prado ang paghingi ng paumanhin ng PDI.

Ayon kay Del Prado, ang ginawa nitong paglilinaw ay magbibigay na ng tuldok sa isyu.

“We appreciate the statement published by the Philippine Daily Inquirer and posted on the Inquirer.net. That’s a welcome development. We are happy that with this clarification, we can finally put this issue to rest,” pahayag pa ng broadcaster.

Matatandaang una na ring nagsagawa ng internal investigation ang GMA Network Inc. nang pumutok ang isyu noong 2014 at nalinis na ang pangalan ni Del Prado sa alegasyong sangkot ito sa pork barrel scam.

AUTHOR PROFILE