Brixton FOR YOU–Tinanggap ng mga opisyal ng BJMP ang mga donasyon mula kina Dr. Vincent Sy Chan at Wu Qing Quan matapos na dumalaw ang mga ito sa opisina ng BJMP. Kuha ni Jon Jon Reyes

Brixton Hill, PFGBA na-donate sa Manila City Jail

December 18, 2023 Jonjon Reyes 248 views

PUMUNTA ang mga miyembro ng Brixton Hills Volunteer Fire Brigade sa Male Dormitory sa Manila City Jail para i-turn over ang kanilang donasyon para sa mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na siyang magbibigay sa mga preso,

Pumunta rin ang operations manager ng Goodfellow Foundation at Philippine Fujian General Business Association (PFGBA) sa pamumuno nina Dr. Vincent Sy Chan at Wu Qing Quan.

Layunin ng Brixton at PFGBA na tumulong sa mga ahensiya ng gobyerno at komunidad.

Lubos naman ang pasasalamat ng Manila City Jail Male Dorm sa pangunguna ni Supt. Lino M. Soriano, City Jail Warden C/Insp. David M. Jambalos, Assistant Warden for Operations C/Insp. Erico Llamasarez, Asst. Warden for Administration at S/Insp. Edwin Esternon, Chief, HRMDU sa tulong ng grupo.

AUTHOR PROFILE