WHAT'S NEW

SEE ALL
Brixton Fire NAGSAGAWA ng lecture ang Brixton Fire Volunteers at seminar kung paano maaapula ang apoy kung sakaling magkaroon ng sunog sa Binondo, Maynila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Brixton Fire Volunteers nagbigay ng tips, seminar kontra sunog

March 7, 2022 Jonjon Reyes 343 views

NAGSAGAWA ng lecture/tips at pagtuturo ang Brixton Fire Volunteers kung paano maaapula at mga gagawin kapag may malaking apoy at kung sakaling magkaroon ng sunog sa kanilang lugar, Binondo sa Maynila, Linggo ng umaga.

Dahil ang inoobserba ang buwan ng Marso bilang โ€œFire Monthโ€ at sa init ng panahon maaaring mapapadalas ang sunog kung kaya’t nagsagawa ang mga fire volunteers paalala sa mga residente at mga opisyales, tanod ng barangay na kadalasan ang unang rumeresponde kapag may mga sunog sa kanilang mga nasasakupang lugar o barangay.

Pinangunahan ni Honorary President Vincent Chan ng nasabing fire volunteer group ang mga tips kontra sunog maging sa principal at mga guro ng Philippine Jin Nan Institute sa pamumuno naman nina Chairman Jimmy See at School Administrator Nelson Go na siyang humiling ng pagtuturo, seminar mula sa Brixton Fire Brigade Association.

Agad namang nagsagawa ng lecture at seminar sa tamang paggamit ng fire extinguisher kung sakaling may mangyayaring sunog sa kanilang lugar sa pamumuno ni Chairman Kerwin Gau ng Bgy. 292 Zone 28, District 3, Binondo Maynila.

Kabilang din sa mga dumalo ay sina Brixton Volunteers President Anthony Choi, Fire Chief Eric Sy, Deputy Fire Chief Mark Diala, Henry Junior, at Richard Andrew Roces na siyang nagbigay ng lecture sa nasabing aktibidad sa Alvarado St., Binondo. Jon-jon Reyes at C.J Aliรฑo

AUTHOR PROFILE