
Breakup message kay Kathryn naglaho sa IG ni Daniel
NAGLAHONG parang bula sa Instagram ang breakup message ng aktor na si Daniel Padilla para sa kanyang dating nobya na si Kathryn Bernardo.
Agad na pinag-usapan ng mga netizens ang post ng aktor sa nasabing social media platform dahil napalitan umano ng maikling caption ang dati noong nakalagay na mahabang mensahe para sa ‘A Very Good Girl’ actress at maging kanilang mga tagahanga.
“Ikaw at ako,” caption na ipinalit ni Daniel sa kanyang breakup message.
Mabilis namang inurirat ng mga netizens ang nasabing pagbabago sa caption at iniugnay nila sa posibilidad na baka magbalikan at may chance pa para sa isa’t isa ang KathNiel.
“Nagbalikannn naaa sana.”
“NAGBALIKAN NA SILA.”
“Second chance?!? what if.”
Samantala, ilang netizens naman ang nagbigay ng ibang reaksyon sa ginawa ni Daniel sa nasabing post.
“I don’t wish for them to get back to each other, i wish for Kathryn to rest and heal and in the perfect time find a love she really deserved! Dj is doing his sweet shits because he knows there’s camera everywhere and everything will be recorded and going to be public.”
“Indenial stage? Or trying to find a chance to win her back? Pero para sakin I wouldn’t wish for them to comeback, if nag nagloko talaga toh. Let Kathryn’s heart rest from this relationship.”
Matatandaang niyanig ni Kathryn ang buong social media matapos niyang ianunsyo ang paghihiwalayan nilang dalawa ng kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla.
Pinagkaguluhan ng netizens ang kanyang statement na ibinahagi niya sa kanya mismong IG account. Umabot pa nga ang nasabing post sa halos six million likes.
“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward,” saad ni Kathryn sa kanyang statement.