Default Thumbnail

‘Brain drain’

August 29, 2021 Vic Reyes 1601 views

Vic ReyesBUHAY na buhay na naman ang isyu ng ”brain drain.”

Ito ang pag-alis sa bansa ng ating mga professional para magtrabaho sa ibang bansa.

Sa totoo lang mas gugustuhin pa ng maraming professionals, lalo na ang mga babaeng guro at nars, ang maging katulong o caregiver sa Estados Unidos, Canada at ibang mauunlad na bansa.

Sobra kasi ang baba ng sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas.

Laman nga ngayon ng mga balita ang pag-aalsa nang ating mga frontliner na nars at iba pang health worker.

Maliban kasi sa mababang suweldo, naaantala pa ang kanilang hazard pay at ibang benepisyo.

Marami na ang nagre-resign para mag-abroad.

Marami na rin sa kanila ang nahawa at may mga namatay pa gawa ng Covid-l9.

Gumagawa naman daw ng paraan ang gobyerno upang matugunan ang problema ng mga health worker.

Iyon nga lang, kung hindi pa nabusisi ng mga mambabatas walang pumapansin sa kanilang mga hinaing.

Pakiramdam nila, walang halaga sa mga opisyal ng gobyerno ang kanilang ginagawa.

Maawa naman tayo sa ating mga frontliner.

Hindi biro ang ginagampanan nilang tungkulin sa mga kababayan nating biktima na COVID-19.

Buhay nila at nang kanilang mga mahal sa buhay ang nakataya.

Tama ba, Sen Bong Go?

***

Marami ng nababakunahang kababayan natin pero bakit dumarami pa ang nagkakasakit ng COVID-l9?

Ano kayang problema natin?

Noong Sabado ay mahigit l9,000 ang bagong kaso ng COVID-l9 sa bansa.

Ayon sa mga eksperto, inaasahan daw na tataas pa ito sa mga susunod na araw.

Mas mabilis talagang makahawa ang mga bagong variant ng COVID-l9.

Mabilis magbagong anyo ang virus at mas mababagsik pa ang mga bagong variant.

Wala tayong magagawa kundi dumepensa hanggat wala pang natutuklasang gamot laban sa salot na sakit.

Hindi naman puwedeng laging lockdown na lang tayo dahil naghihingalo na ang ating ekonomiya.

Hindi rin puwedeng hindi magpatupad ang gobyerno ng protocol na naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng taumbayan.

Mahirap balansehin ang kalusugan ng tao at ekonomiya.

Pero malalampasan din natin ito.

***

Dati-rati, ang Bureau of Customs (BOC) ang isa sa mga paboritong “punching bag” ng taumbayan.

Pero ngayon, mukhang nabago na ang paningin ng marami sa ahensya mula nang magsimulang managasa ang COVID-l9 pandemic.

Paano, kahit nandiyan ang nakamamatay na sakit ay tuloy pa rin ang kayod ng mga nagtatrabaho sa aduana.

Mula nga Enero hanggang Hulyo 202l ay nalalampasan ng BoC ang kanyang buwanang collection target.

Ang ibig sabihin nito, “kayod-kalabaw” ang mga bata ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero kahit may pandemya.

Alam ng mga taga-aduana na hindi puwedeng magpabaya dahil kailangan ng gobyerno ang pondo.

Ang kailangan lang ay tulungan natin ang mga taga-BoC para magampanan nila ng mahusay ang kanilang mga gawain.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE