BPSF

BPSF sa Tacloban City tagumpay — BI

August 3, 2024 Jun I. Legaspi 123 views

IPINAGMALAKI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang matagumpay na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Tacloban City.

Isinagawa ang service caravan, noong August 2-3 sa Leyte Normal University sa Tacloban City, para sa iba’t ibang serbisyo.

Nakiisa ang BI sa caravan kung saan nagkaloob ng immigration services kabilang na ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang essential transactions.

Bahagi ito ng Department of Justice (DOJ) services para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, na naglalayong ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa tao.

“We are delighted to be part of the Bagong Pilipinas initiative of the national government which allows government agencies to serve the people better,” he stated. “We remain relentless in our pursuit for a more modern and responsive immigration service, true to our goal of Bagong Immigration towards a Bagong Pilipinas,” saad ni Tansingco.

Una nang nagsagawa ng caravan ang BI sa Zamboanga, Iloilo, Baguio, Batangas, at Cavite.

AUTHOR PROFILE