Martin1 Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na yung pagdalo ng 45 na miyembro ng Kamara sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) in Sultan Kudarat noong Linggo ay patunay ng pagkakaisa ng Kamara sa sa mga inisyatiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mailapit ang mabilis na serbisyo sa mga Pilipino. Kuha ni VER S. NOVENO

BPSF PATUNAY NG TAGUMPAY

February 26, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 93 views

Martin2Ng kolaborasyon ng Executive, Legislative upang mailapit sa publiko serbisyo ng gobyerno

ANG pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Sultan Kudarat ay patunay umano ng isang matagumpay na kolaborasyon ng Executive at Legislative branch upang mailapit sa publiko ang mga serbisyo ng gobyerno.

Ito ang sinabi nina Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez, Isabela Rep. Inno Dy, Taguig Rep. Amparo Maria Zamora, at Rizal Rep. Fidel Nograles matapos mabigyan ng ayuda at iba pang serbisyo ng gobyerno ang halos 150,000 residente ng Sultan Kudarat na may kabuuang halagang P1.2 bilyon.

“Well for me it only shows that … when the Executive and the Legislative work together, hand in hand, mas marami talagang Pilipino ang natutulungan and nakita natin ‘yan kahapon sa BPSF sa Sultan Kudarat,” ani Zamora sa isang press conference.

“It’s really amazing how 150,000 Mindanaoans were catered to Sunday and mas marami pa po ang matutulungan in the following weeks to come,” saad pa ng lady solon.

Sinabi naman ni Suarez na halos lahat ng pamilya sa Sultan Kudarat ay nakinabang sa BPSF kung saan pinangunahan din ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamamahagi ng mahigit 500,000 kilo ng bigas sa mga residente.

“Can you imagine that every family would benefit from the BPSF? At ito rin po ay pagpapakita na ginagastos sa tama, sa maayos at epektibong pamamaraan ang pondo ng ating pamahalaan. Direktang pinakikinabangan po ito ng ating mga kababayan,” sabi ni Suarez.

Ayon kay Suarez, isa sa mga local host ng programa—si Gov. Pax Mangudadatu ay tinawag pa si Speaker Romualdez na “Mr. Rice” dahil sa dami ng ipinamigay nitong bigas sa kanyang mga constituent.

“Libo-libong mga mamamayan ang nakinabang sa AICS, libu-libong mamamayan ang nakinabang sa TUPAD, sobrang daming mga magsasaka at mangingisda ang nakinabang sa mga proyekto at programang ibinaba Department of Agriculture,” sabi pa ni Suarez.

“A total of 150,000 Mindanaoans ang natulungan po ng pamahalaan natin sa araw pong yun lamang at ito po ay series ng activities na pinamumunuan ng ating House Speaker. Noong isang Linggo sya po ay nasa lalawigan ng Siquijor, ganun din po ang nagawa ng ating pamahalaan,” dagdag pa nito.

“Para sa akin po no, malinaw at klaro kung ano po ang mensahe nitong BPSF dahil kung makikita nyo po iikutin, ang plano po ng administration na ikutin ang bawat lalawigan ng bawat probinsya upang dalhin ang tulong ng ating national government,” saad pa nito.

Para naman kay Dy malinaw ang mensahe ng BPSF: na walang maiiwan sa pag-unlad ng bansa.

“It’s a clear message na walang maiiwan sa administration ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos … Napakataas po ng moral ng ating mga kababayan dahil nga, imagine lahat ng mga government agencies na ang pumupunta sa bawat probinsya sa ibat ibang syudad para maghatid ng tulong sa atinig mga kababayan,” sabi ni Dy.

“And again, the impact of this … Imagine Sultan Kudarat, P1.2 billion in the local economy alone for that single day. Malaking ambag po ito sa kanilang ekonomiya. This is the plan of the administration, for the next months, to visit the different provinces across the country,” dagdag pa ni Dy.

Pinuri naman ni Nograles ang paglalapit ng BPSF ng serbisyo ng gobyerno sa publiko.

“Natutuwa din po ako kasi sa pangunguna ng ating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, napatunayaan natin na kaya po natiin mailapit ang mga serbisyon ng ating national government dito sa LGUs,” sabi ni Nograles.

“Hindi lang po LGUs, pati national government katuwang po natin sa pagtulong sa ating mga kapus-palad na mamamayan,” dagdag pa ng kinatawan ng Rizal.

AUTHOR PROFILE