BPO agent lumundag mula ika-4 na palapag

March 28, 2022 Jonjon Reyes 142 views

SINASABING may “Bipolar Disorder” o at diumano’y sakit sa pag-iisip ang isang 31-anyos na call center o BPO (Business Process Outsourcing) agent kaya nagawa nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-4 na palapag na gusali.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Rodolfo Acosta kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, naganap ang insidente bandang 3:05 ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Tumalon umano ang biktima mula sa rooftop na nasa ika-4 na palapag ng tinutuluyan nitong bahay sa Sta. Cruz madaling araw nitong Lunes.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, umalis umano ang biktima sa kanilang lugar ng pasado alas 11:43 p.m. at bumalik ito ng 2:58 ng madaling araw.

Isang kapatid ng biktima ang nagsalaysay sa mga awtoridad na di-umano’y nakahiga na ito nang makarinig nang malakas na kalabog.

Dito na umano nito tiningnan sa bintana at laking gulat nito nang makita ang kapatid na nakabulagtang patihaya.

Agad nitong pinagbigay alam sa kanilang ama at nagawa pang maisugod sa Chinese General Hospital ang biktima pero wala na itong buhay.

Nalaman rin sa ama ng biktima na noong 2017 ay isinailalim ito sa rehabilitasyon dahil sa “Bipolar Disorder”. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE