Mandanas

BP sa Batangas nag-celebrate ng 9th founding anniv

March 27, 2025 Jojo C. Magsombol 225 views

IPINAGDIWANG sa Batangas ang 9th founding anniversary ng Bahay Pag-Asa (BP) ng Batangan noong Marso 21 sa provincial sports complex sa Bolbok, Batangas City.

May temang “Ika-9 na Taon: Magiting na Serbisyo sa Kabataang Batangueño” ipinagdiwang ang event sa pangunguna ni Etheldrida Luistro.

Itinatag ang BP alinsunod sa Batas Blg. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na layuning tulungan ang mga Children in Conflict with the Law (CICL) na makapagbagong buhay at maging responsableng indibidwal.

Isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Leonido “Nonie” Dolor at sinundan ng mga pagkilala at pasasalamat sa mga stakeholders na patuloy na tumutulong at sumusuporta sa pagsulong ng programa.

Isinagawa rin ang isang talakayan sa mga naging tagumpay ng BP at binigyan ng pagkakataon ang isang BP client upang magbahagi ng kanyang nakakaantig na kuwento ng tagumpay.

Nakiisa sa selebrasyon si Gov. Dodo Mandanas na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pagkakataon para magbago at magsimulang muli.

Dumalo rin sa event sina Atty. Angelica Chua-Mandanas, AnaKalusugan Congressman Ray Reyes, Batangas Provincial Prosecutor, Atty. Lourdes G. Ramirez-Zapanta, Provincial Health Office Department Head Dr. Rosalie Masangkay at mga kinatawan ng ibang tanggapan ng kapitolyo.

AUTHOR PROFILE