Boycott laban sa PMIC nakahanda
KABIT bisig ang transport groups at motorists sa paghahanda para i-boycott ang muling mandatory re-implementation ng Private Motorists Vehicle Inspection Center o (PMVIC).
Sa interview, sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers or Commuters Safety and Protection (LCSP), na nationwide ang paghahanda ng lahat ng transport groups at mga kaalyadong grupo kasama ang mga private motorists.
Ang boycott ay pangungunahan ng grupong 1-United Unified Transport Alliance of the Philippines 1-UTAP ni Ariel Lim at mga kaalyado nito, saad ni Inton.
Sa katunayan anya nagsimula na ang iba’t-ibang grupo sa iba’t-ibang lugar na basa ng pagproprotesta para pigilin ang re-implemetation ng programa.
Mariing din pinansin ni Inton ang pagiisyu ng Land Transportation Oice (LTO) ng Geographical Areas of Responsibility o (GAOR) to authorized PMVIC ng wala sa panahon dahil nasa ilalim tayo ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Inton nilabas ang Memorandum August 6, 2021 simula ng lockdown ng Metro Manila.
Sa hiwalay na interview sinabi ng Clean Air of the Philippines, Inc. (CAMPI) naghahanda na rin ang kanilang legal counsel para magsampa ng reklamo sa korte para pigilan ang order ng LTO at ang GAOR.
Kaugnay nanawagan muli ang transport, motorist at commuter groups kay Senator Ralph Recto at Grace Poe, na muling imbestigahan ang isyu.