Boy1

Boy naduduwag mag-guest sa ‘Family Feud’: Nakakataranta ’yon!

December 19, 2022 Ian F. Fariñas 96 views

BALIK-KAPUSO na nga ang King of Talk na si Boy Abunda at ngayon pa lang ay excited na ito sa mga nakalinya niyang guestings sa iba’t ibang GMA shows pati na ang pagpaplanong ginagawa para sa sariling programa sa 2023.

May mahigpit na pakiusap lang daw si Tito Boy sa mga boss niya sa Kapuso network. At ito ay ang pagpapaliban sa guesting niya sa top-rating game show na Family Feud ni Dingdong Dantes.

“When we were talking about, ah, promo, pwede ba ‘yung Family Feud ‘wag na muna? Hahaha! Baka lumabas ‘yung pagka-tanga ko! Kasi depende, ‘di ba, kung ano ang sinu-survey. ‘Pag tinanong mo ako, halimbawa, ah, mga anime, ano ba naman ang alam ko du’n? ‘Pag tinanong mo ako ng Mobile Legends, ano ba naman ang alam ko at saka ‘yung mga delikado ‘yung ‘anong bahagi ng katawan ang nagsisimula sa letrang T?’ Wala akong preno, sasabihin ko pero ‘yung sagot naman, ‘di ba, tit* din? I’m sorry! Blineep na lang nila! So ‘yun ‘yung mga, ang dami kong takot du’n. Ang daming… pero gagawin ko ‘yon para malagpasan. Gagawin ko ‘yon talaga,” pahayag ni Tito Boy.

At inulit niya ang pakiusap na kung pwede, ‘pag nag-line-up ng kanyang guestings, “Pwedeng ihuli n’yo muna ‘yon o kung pwede, wala na lang muna? Hahaha! Nakakataranta ‘yon!” giit pa ng comebacking King of Talk.

AUTHOR PROFILE