Liza

Boy kay Liza: Do not disregard your past

March 1, 2023 Vinia Vivar 506 views

Boy“Extremely disappointed” ang term na ginamit ni Boy Abunda sa kanyang nararamdaman sa mga naging pahayag ni Liza Soberano tungkol sa naging career nito sa ABS-CBN.

Matatandaang sa YouTube vlog ni Liza na inilabas kamakailan ay sinabi ng aktres na kinontrol siya ng mga taong nakapaligid sa kanya, na iisa lang ang kanyang naging leading man with the same production company, na tatlong direktor lang ang nagro-rotate na nakatrabaho niya, na hindi siya ang pumili ng pangalang Liza Soberano, na wala siyang naging “say” sa kanyang career, etc.

Umani ng katakut-takot na reaksyon ang statements ni Liza lalo na nga mula sa mga taga-industriya na matagal nang nasa business.

Karamihan sa kanila ay talagang hindi pabor sa mga naging pahayag ng aktres at tinatawag na siya ngayong “ingrata” at “walang utang na loob.”

Maging ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz ay nagsalita na at malumanay na pinangaralan ang aktres.

Bilang manager himself at bilang matagal na rin sa industriya, nagbigay ng kanyang opinyon si Kuya Boy tungkol dito.

“Marami po akong gustong sabihin. Disappointed po ako doon sa vlog, I’m not disgusted but I am extremely disappointed with the vlog. Pero napakamalumanay ng pagkasabi ni Liza,” simula ni Kuya Boy.

“Saan po ang pinanggagalingan ko? Let me talk as a manager,” patuloy niya.

“May karapatan ba si Liza Soberano magbago ng management? May karapatan ba si Liza Soberano magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza Soberano hawakan na ang kanyang karera?

“Ang kasagutan ho lahat do’n ay oo. She has the right to do what she’s doing, I mean, it’s a redirection, it’s rebrand.

“Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan, let me talk first as a manager. Kasi po may mga complaint siya doon na, ‘I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong kung anong nangyayari sa aking karera, I was just working with three directors na paulit-ulit.’

“Masakit pakinggan, kasi you were working with three best directors in this country. At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw ‘yon?

“For the last 13 years, ‘yung hinangaan namin, hindi si Liza ‘yun? Because you were saying in your vlog na, ‘I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko,’ aniya.

“I don’t know the intent, I don’t know where she wants go. Kung rebranding lang ito at redirection, medyo masakit, lalo na para sa aming mga manager,” dagdag ng TV host.

Usually raw talaga ay may mga pagbabago ang artista kapag sumikat na ito at naghahangad na ng mas higit pa at kung anu-ano pa.

“You can proceed with your career, you can redirect your career, pero sana you can journey in gratitude. Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari at sa mga taong dumaan sa buhay mo at kasama mo. Because you are where you are today, dahil sa mga taong tumulong,” aniya.

Sey pa ni Kuya Boy, “Liza, lahat ng nangyari sa iyo, lahat, nothing is ever wasted. Lahat ‘yan, nagiging point of references mo.”

Masakit din daw pakinggan ang sinabi ni Liza about her name na hindi siya ang pumili dahil ‘yung pangalan ‘yun ang hinangaan natin at nakilala natin.

“Do not disregard your past. Do not disregard the 13 years na minahal ka ng mga fan mo. And do not disregard the hard work that your managers put into who you are today,” ang tila pangaral niya kay Liza.

Dagdag pa niyang mensahe sa aktres, “You know, Liza, I love her. I love you, if you’re watching this. Proceed with your career, whenever you want to go, in gratitude.

“You know what you should do? ‘Hashtag say thank you.’ Because gratitude opens your heart and your life to more blessings.”

AUTHOR PROFILE