Boy

Boy, kasado na ang pagiging Kapuso

December 14, 2022 Jun Nardo 92 views

ALL systems go na sa paglipat ni Boy Abunda sa Kapuso Network.

Eh, nabanggit ang paglipat ni Boy sa Kapuso ng isa naming kakilala sa network.

Pati hawak niyang talents ay alam na rin ang paglipat niya sa Kapuso channel.

Magkakaroon pa ng formal announcement ang GMA sa pagbabalik ni Boy sa GMA matapos nila itong i-blind item sa kanilang socmed accounts.

Apat ang channels ng GMA — GMA Network, GNTV, Heart of Asia at isang musical channel.

Saan kaya ilalagay na channel si Boy?

BALIK-‘THE CLASH’

REUNITED sa kanilang reunion concert sa America ang former couple na sina Ai-Ai de las Alas at Miguel Vera na sa January 21, 2023 ang kick off.

Iikot ito sa ibang lugar sa States.

Bumalik sa bansa si Ai-Ai upang mag-taping ng bagong season ng singing competition na reality show na The Clash.

Babalik siya sa Tate upang doon magpalipas ng holidays.

“Nagkita kami ni Miguel nu’ng magkaroon ako ng show for GMA Pinoy TV. Nami-miss raw niya ang mag-perform sa stage kaya naisipan naming gawin ang concert na kami ang magkasama.

“We started as friends and ended as friends. Wala namang problema sa partner niya at sa asawa ko sa pagsasama namin sa concert.

“Nandu’n pa rin ang ganda ng boses ni Miguel. Tatay siya ng dalawa kong anak, ‘no? Naku, kalog din ‘yun, ‘no?” sey ni Ai-Ai.

AUTHOR PROFILE