Boy balik-GMA, tinapos ang tsismis

December 16, 2022 Aster Amoyo 180 views

Boy1Boy2

NATAPOS na ang iba’t ibang espekulasyon na may kinalaman sa pagbabalik-telebisyon ng tinaguriang `King of Talk’ na si Boy Abunda matapos itong lumagda ng eksklusibong kontrata with GMA, his original home studio (for almost five years) bago siya lumipat sa ABS-CBN na naging tahanan niya for over two decades hanggang sa ito’y mawalan ng prangkisa nung May 5, 2020.

Ang pagiging isang talk show host sa telebisyon ay isang passion kay Boy kung saan niya nakamit ang taguring na “King of Talk.”

Unknown to many, si Boy ay nagsilbing PR consultant noon ng GMA bago siya nagsimula sa kanyang TV career bilang isang talk show host.

It was one of the executives of GMA na si Bobby Barreiro ang nakaisip na bigyan si Boy ng isang talk show at dito nagsimula ang showbiz-oriented talk show na “Show & Tell” kung saan niya nakasama sina Gretchen Barretto, Ai-Ai de las Alas at Lolit Solis.

Halos isang taon lamang tumagal sa ere ang “Show & Tell” (1994-1995) at muling bumuo ang GMA ng panibagong showbiz talk show, ang “Startalk” kung saan naman nakasama ni Boy sina Kris Aquino at Lolit Solis. Kris stayed on sa programa ng isang taon at lumipat ito ng ABS-CBN in 1996. Naiwan si Boy until 1999 at sumunod na rin siya kay Kris sa Kapamilya Network. Pero nagpatuloy ang “Startalk” with Lolis Solis pero nagpaiba-iba ang ibang hosts ng programa na tumagal until 2015. Ang mga huling hosts ng programa were Lolit Solis, Joey de Leon, Butch Francisco, the late Ricky Lo and Heart Evangelista.

Over at ABS-CBN, Boy hosted different talk-show programs tulad ng “The Buzz” na sinimulan nila ni Kris Aquino, “Private Conversations,” “Homeboy,” “Kontrobersyal,” “SNNL Showbiz News Ngayon,” “The Bottomline with Boy Abunda,” “Aquino and Abunda Tonight”. Naging entertainment segment host din siya ng “Bandila” news program for a while.

Bukod sa pagiging PR consultant sa iba’t ibang kumpanya at mga personalidad, naging aktibo rin si Boy bilang talent manager ng mga singer and actor sa pamamagitan ng kanyang itinatag na talent management company, ang Backroom, Inc.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, nakuha pa ni Boy na tapusin ang kanyang pag-aaral until his doctorate degree. Naging part-time professor din siya sa Philippine Women’s University teaching radio and television sa mga Communication Arts students. An accomplished personality, Boy never stops learning from people around him.

Bumalik man si Boy sa GMA, nakapag-paalam siya ng maayos sa pamunuan ng ABS-CBN. He is also the type of personal who never burn bridges kaya nananatili siyang well-loved sa industriyang kanyang ginagalawan.

TunyingTunying1Tunying2Tunying3

Ka Tunying at Rossel nakalagpas na sa pagsubok

NANINIWALA ang mag-asawang Anthony at Rossel Taberna na ang Panginoon ang may kagustuhan ng lahat kung ano mang matitinding pagsubok ang sinuong ng kanilang pamilya sa loob ng ilang taon. Niloob din Niya ang tuluyang paggaling ng kanilang panganay na anak na si Zoey (14), ang muling pagbabalik sa radio at telebisyon at patuloy na paglago ng kanilang mga itinayong negosyo, ang Ka Tunying’s maging ang Outbox Media.

Anthony is also not spared sa matitinding criticisms na kanya na lamang ipinagdarasal .

Zoey was only 11 nang unang ma-diagnose sa sakit nitong leukemia. At that time ay hindi pa ito ganoon kalala. Naging second home na rin nila noon ang hospital dahil mas madalas na nasa pagamutan noon si Zoey for her treatment pero hindi umano sila bumitaw sa kanilang panalangin sa Diyos.

It was in 2021 when the couple was advised to try further treatment in Singapore but at that time ay hindi pa bukas ang border ng Singapore sa mga foreigner.

Anthony is thankful of his connections throughout the years of his being a seasoned journalist (sa radio and television) kaya marami siyang nalapitan na matulungan silang makapasok ng Singapore for his daughter’s further treatment.

The couple Anthony and Rossel with their two daughters na sina Zoey at Helga flew to Singapore about this time last year at naging `tahanan’ nila ang naturang bansa sa loob ng anim na buwan.

They also rented and apartment na malapit lamang sa hospital kung saan naka-confine si Zoey.

Aminado ang mag-asawang Anthony at Rossel that they almost lost their eldest daughter. Kahit mismo si Zoey ay nakaramdam din ng sobrang hirap at pagod and she almost gave up too pero dahil sa nakikita niya sa kanyang parents maging sa kanyang younger sister na si Helga na patuloy na nakikipaglaban for her, she also fought for her life and continued to pray until a miracle came six months later nang sabihan sila ng mga doctor in Singapore that she was cancer-free.

Ang naipon ng mag-asawa mula sa kanilang trabaho at negosyo ay nakatulong sa gamutan ng kanilang anak. Dagdag tulong pa sa kanila ang kinikita ni Anthony sa kanyang mga vlogs both on Facebook and YouTube at mga financial help ng mga taong nagmamalasakit sa kanila kahit hindi sila humiling.

AUTHOR PROFILE