Boy at Cristy kinontra ang tsikang tatakbo si Kris sa 2025
Isang malaking fake news ang lumalabas na tsikang kaya umuwi si Kris Aquino ay para tumakbong senador sa 2025 elections.
At kaya nga raw September ito umuwi ay dahil sa filing of candidacy ngayong October 1.
Hindi na kailangang magsalita pa ni Kris na hindi totoo ang tsika dahil kahit ang mga ordinaryong thinking netizens ay alam na imposible itong mangyari.
Sa kundisyon nga ba naman ni Kris ngayon ay magagawa pa niyang tumakbo?
Ang priority niya ngayon ay ang kanyang health at walang-wala sa isip niya ang politika, career o iba pang bagay kung hindi naman ito makakatulong sa kanyang paggaling.
Ito nga rin ang paniniwala ng matalik niyang kaibigan na si Boy Abunda.
“I doubt. She needs to be healthy muna bago siya kumandidato,” pahayag ng King of Talk in his latest interview.
Maging si Cristy Fermin ay ito rin ang pananaw. Maling-mali raw ang balitang tatakbo si Kris dahil hinding-hindi pababayaan ni Kris ang kalusugan at hindi rin para magdagdag pa ng stress na makakalala sa kanyang sitwasyon.
Sa kanyang huling post bago sumakay ng eroplano pabalik ng ‘Pinas ay sinabi ni Kris ang dahilan kung bakit niya kailangang makauwi ng Setyembre. Ito ay para simulan ang kanyang chemotherapy session ngayong Oktubre.
Anyway, hintayin natin kung papatulan pa ni Kris ang tsismis na ito pero feeling namin ay tatawanan lang niya ito.