Default Thumbnail

Box-office success at award habol ni Juday sa MMFF

December 12, 2024 Vinia Vivar 85 views

Hindi nagpaka-ipokrita si Judy Ann Santos at inaming gusto rin niyang maiuwi ang Best Actress sa 50th Metro Manila Film Festival Awards Night for her movie, “Espantaho.”

“Aba, parang lahat naman ‘ata po ng nominado ay gugustuhin naman, hindi ba? Pero, siguro, napaka-cliché kung sabihin ko na okay na na maging box office na lang kami.

“Napaka-plastic naman din kung sasabihin kong hindi ko nais na magkaroon ng award, hindi ba?

“But kung ano ang nakikita ng hurado, kung kanino siya dapat mapunta, doon ako nagtitiwala,” pahayag ni Juday sa presscon ng ‘Espantaho’ kamakailan.

“Naniniwala akong maganda ang project namin and binitbit namin ang isa’t isa sa proyektong ito. Kung ano ang magigiging resulta pagdating ng awards night, napaka-bonus na talaga no’n.

“Being included in this wonderful film, ano na ‘yun, eh, that alone is a reward and a gift already,” she said.

Pero kung magkakaroon pa ng award, aniya, “Napaka-ano na ‘yun, buong-buo na siguro ang 2024 ko ‘pag nagkataon.”

Ang “Espantaho” na Tagalog term for ‘scarecrow’ ay isang horror film na first time pagsasamahan ni Juday at ni Chito Rono.

Ayon nga kay Juday, matagal nang pangako sa kanya ni Direk Chito na gagawa sila ng horror film and finally ay natuloy na ito.

Showing na sa December 25 bilang official entry ng MMFF 2024, kasama rin sa cast ng “Espantaho” sina Lorna Tolentino, Eugene Domingo, Janice de Belen, Mon Confiado at marami pang iba mula sa Quantum Films, Cineko at Purple Bunny Productions.

 

AUTHOR PROFILE