
Bounce back
NAGPAKAWALA ng init si social media star Julie Fortes matapos mag-post ng hot and confident na litrato mula sa kanyang Boracay getaway.
Sa suot niyang brown bra at pants na perfect sa beach vibes, lutang na lutang ang kanyang alindog habang nilalaro ng fine white sands ang kanyang katawan.
“Embracing that mom bod, but Chapter ‘25 – the year of bounce back!” ang caption ni Julie, at agad itong umani ng libo-libong likes at komento mula sa kanyang fans. Sa larawan, kitang-kita ang kanyang glowing confidence at mom bod goals na pinahanga ang netizens.
Hindi rin nakapagpigil ang ibang followers na magbigay ng papuri: “Hotttiieee loves!” Ang kanyang post ay nagpapakita ng tamang timpla ng seksing pananaw at pagiging empowered mom.