Vic

Bossing Vic, naka-CG sa sitcom

October 22, 2021 Vinia Vivar 197 views

Bilang ama, sobrang proud si Vic Sotto sa mga papuring natatanggap at magandang paninilbihan ng anak na si Vico Sotto bilang alkalde ng Pasig.

“Kahit naman ako, eh, naging miyembro ng fans club niya, eh,” sambit ni Bossing Vic sa online mediacon ng Daddy’s Gurl.

“I’m just very proud na he’s setting a very good example of what good governance is all about. Na pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot. Hindi kailangang maging corrupt,” he said.

Sana nga raw ay tularan ang isini-set ng magandang ehemplo ni Vico ng ating mga kabataan na gustong maging leaders ng ating bayan.

Samantala, excited si Vic sa mga fresh episode na mapapanood sa Daddy’s Gurl bilang pagdiriwang ng 3rd anniversary ng sitcom.

Bukod nga rito ay nagdagdag sila ng bagong cast na sina Prince Clemente, Carlo San Juan, Prince Carlos at Jem Manicad

Siyempre, kasama rin nila ang original cast tulad nga ni Bossing, na siya ring co-producer, Maine Mendoza, Oyo Sotto at Wally Bayola, among others.

Dahil work from home pa rin ang set-up ni Vic, ang isang pasabog nila sa sitcom ay ang paggamit nila ng CG (computer graphics) kung saan ay makikitang parang kasama na rin si Bossing sa eksena kahit sa bahay lang ito nagte-taping.

“Hindi na po siya (Vic) nakakahon lang. Nagawan po namin ng paraan na si Bossing po ay nasa eksena na, buong-buo. Nakikipag-interact na po siya kay Maine, kay Oyo o kay Wally. So, nag-improve na po kami,” paliwanag ni Direk Chris Martinez.

Napapanood every Saturday night ang Daddy’s Gurl sa GMA-7.

Tatlong biopic, koneksyon sa showbiz

Maraming showbiz friends natin ang bumilib kay senator at presidential candidate Ping Lacson sa speech niya nang kilalanin siyang Outstanding Public Servant sa Star Awards 2021.

Binigyan ng PMPC (Philippine Movie Press Club) ng natatanging rekognisyon si Sen. Ping dahil sa tapat sa pagtupad niya sa kaniyang tungkulin sa loob ng 40 years sa public service.

Maraming showbiz press ang gusto ang ugali ni Sen. Ping dahil hindi siya echoserong politiko.
Kahit noong ma-interview siya para sa pelikulang 10,000 Hours, na inspired sa buhay niya, inamin ng senador na ang nakikita lang niyang koneksiyon niya sa movie press o showbiz industry noon ay pagkakaroon ng tatlong movie na tungkol sa kanya.

Pero alam niya kung gaano kahalaga ang entertainment industry sa lipunan, hindi lang sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga tao, kundi nagsasalamin din ang showbiz world sa reality.

Pangako ni Sen Ping sa showbiz press, patuloy niyang gagawin ang prinsipyo niya na “leadership by example.”

AUTHOR PROFILE