Bossing

Bossing Vic nag-fanboy kay Papa P

November 30, 2024 Ian F. Fariñas 80 views

RAMDAM ang respeto’t paghanga sa isa’t isa nina Vic Sotto at Piolo Pascual nang humarap sa mediacon ng Metro Manila Film Festival entry nilang “The Kingdom” nitong Biyernes ng gabi sa Versailles Tent ng Novotel Manila Araneta City Hotel.

Ang pelikulang prinodyus ng APT Entertainment, Inc., M-Zet TV Productions at MQuest Ventures, Inc. ang unang pagsasama nina Bossing Vic at Papa P sa big screen.

Kumpara sa nakasanayan nang comedy films ng “Eat Bulaga” host, seryoso ang tema ng “The Kingdom” kaya aminado siya na nagdalawang-isip bago tanggapin ang proyektong dinirek ni Mike Tuviera.

May kabigatan nga ang istorya nito tungkol sa isang uncolonized Philippines na nasa ilalim ng isang monarchy na pinangungunahan ng haring si Lakan Makisig (Vic). Ginagampanan naman ni Piolo ang papel ni Sulo, isang outcast farmer na kalaunan ay magiging bayani sa paghahanap ng pagbabago ng mga nasasakupan ng kaharian ng Kalayaan.

Ani Vic, malaking factor si Piolo sa pagpayag niya na gawin ang “The Kingdom”.

Pag-amin ng komedyante, “Medyo na-shock ako. Medyo nagdalawang-isip ako, kasi it’s a serious film. Sabi nga ni direk, it’s a non-political political film. Parang I was asking myself, ‘bagay ba sa ’kin?’ And another question was ‘kaya ko ba ‘to?’ And then finally, medyo parang okay na sa ’kin, I asked them ‘sinong mga kasama, sinong cast?’ Sabi ni direk, we’re negotiating with Piolo Pascual. ‘Okay, go na tayo,’ sabi ko.

“It’s not every movie na, kasi we’re from different stations before, so we never had the chance to be together in one film. So this is one pagkakataon na hindi ko kayang palagpasin. At ‘yung bonding namin ni Piolo, I was asked before, ‘kumusta bonding n’yo?’ ’Di kami nagba-bonding kasi ‘di ko siya kilala, eh. ’Yung character niya, as Lakan, I don t know him. Wala siya, tinatwa ito, eh. Tinatwa is, in English, outcast. So, wala akong pakialam sa kanya. It just so happens ‘pag malapit nang… ‘yung climax ng istorya, du’n kami magtatagpo, doon kami nag-bonding. Sumobra ang bonding namin. Rurok na ‘yung aming bonding,” mahabang kwento ni Bossing Vic.

Naging instant fanboy pa nga raw siya ni Papa P dahil aniya, “Napatunayan ko that he is a seriously good actor.”

Sa isang sequence umano nila na magkasama, pinanood niya si Piolo habang wala siyang take.

“Medyo nag-fanboy mode ako. Totoo ‘yon, totoo, totoo. Pinapanood ko lang siya. Ang galing! Ang hahaba ng dialogue pero hindi siya nagkakamali. Ako, kapiraso lang, nagba-buckle pa, eh. ’Yun, ‘yun ang napatunayan ko na seriously good actor. Not just a good actor, he is a good person, in and out. Magaling ito!” papuri pa ng film icon sa first-time co-star na dream niyang makasama sa isang comedy movie.

Pagkarinig nito, nagpasalamat si Piolo kay Vic at ibinalik ang papuri sa ace comedian.

“Thank you, Bossing, ‘di ko na po alam ang sasabihin ko. One thing I discovered about Bossing was, you know, you’re not gonna last long in this business if your heart is not in the right place. And I must say, sa nakita ko, ‘yung dedication sa craft, ‘yung commitment niya sa trabaho, ‘yung sa pagmamahal niya, not just sa trabaho, pero ‘yung sa buong paligid niya, sa environment niya, ‘yung professionalism, you know, you’re not gonna last long in this business staying on top if you are not that good of a person, if your heart is not good and that’s what I saw. Napakabait na tao ni Bossing. Sobra!” pahayag ni Papa P.

Bukod kina Bossing Vic at Piolo, kasama rin sa star-studded cast ng “The Kingdom” sina Cristine Reyes at Sue Ramirez bilang mga prinsesang sina Dayang Matimyas at Dayang Lualhati, respectively, Sid Lucero bilang Magat Bagwis, Ruby Ruiz bilang Babaylan, ang spiritual priestess, Cedrick Juan bilang batang Lakan, Zion Cruz, apo ni Lakan Makisig, Iza Calzado, Art Acuña, Giovanni Baldisseri at Nico Antonio.

Mapapanood ang “The Kingdom” sa mga sinehan simula December 25.

AUTHOR PROFILE