Vic

Bossing Vic inamin ang pagkukulang sa mga anak

December 23, 2024 Vinia Vivar 114 views

Aminado si Vic Sotto na may pagkukulang talaga siya sa kanyang mga anak na sina Danica, Oyo, Vico at Paulina habang lumalaki ang mga ito.

Nagkaroon ng heart-to-heart interview si Bossing Vic kay Toni Gonzaga sa vlog ng huli at isa sa mga naitanong sa kanya ang pagiging ama.

Tanong ni Toni, “Paano niyo na-manage ’yung pagiging ama, eh, araw-araw kayong nagtatrabaho all your life?”

“’Yan ‘yung isa sa mga — I won’t say regret — with Danica, Oyo, Vico, si Paulina. I just have to give credit to the mothers of my children. Swerte lang ako na mababait ‘yung mga ina, magagaling magpalaki ng mga anak,” ani Vic.

Sina Danica at Oyo ay anak ni Vic sa first wife niyang si Dina Bonnevie habang ang mayor naman ng Pasig City na si Vico ay anak niya kay Coney Reyes. Si Paulina, anak ni Vic sa singer na si Angela Luz.

Ayon kay Bossing, habang lumalaki ang mga ito ay hindi siya parating nandiyan 24/7 pero maipagmamalaki niya na good provider siya.

“Kasi, ako naman, I cannot be there 24/7 to be a father. I can only provide. In fairness to me naman, hindi ako nagkulang sa pagiging provider. ‘Yung being there, na nandu’n ka every step of the way, ‘yun, guilty as charged ako du’n,” he said.

Naranasan lang daw niya talagang maging ‘present’ father sa panganay nila ni Pauleen Luna na si Tali.

“Ilang taon ‘yung pandemic? Two years? Ayun, araw-araw, nasa bahay ako. Nakita ko ‘yung mga first steps ni Tali, first words niya, milestones niya nun’g lumalaki,” sey ni Bossing.

Puring-puri niya ang misis na si Pauleen dahil very hands-on hindi lang sa dalawa nilang kids, kundi maging sa iba pa niyang mga anak.

“She’s very hands-on with our kids, and my other children. Nakita ko naman na na-appreciate rin naman ng mga anak ko ‘yung ginagawang pag-alaga ni Pauleen sa akin. Eh, maaasahan mo talaga, eh. Sa lahat ng bagay,” aniya.

“I’m very contented and happy with her. Swerte lang na nagkatagpo ang landas namin,” dagdag pa ni Vic.

AUTHOR PROFILE