Boss Toyo natural na artista — Sen. Bong
MAKIKITA ang bagong dagdag sa cast ng third season ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ni Senator Bong Revilla Jr. na mapapanood sa GMA simula sa Dcember 222 sina Jillian Ward at sikat na social media influencer na si Boss Toyo.
Bago tanungin, nagpasabog ng P10,000 na pa-raffle sa entertainment media, tinanong namin si Boss Toyo kung paano siya nakumbinsing lumabas sa sitcom.
“Nu’ng may nag-chat sa akin sa Viber, tsinek ko muna ang schedules ko. Tapos, kalugar ko siya sa Cavite at talagang idol ko po siya dati pa.
“Sabi ko, sige po, basta sa schedule lang. Madami rin akong natanggihan na ibang series because of my schedule.
“Pero ito, hindi ko puwedeng palagpasin ang isang Bong Revilla at kalugar ko din po sa Cavite kaya grinab ko ang opportunity,” pahayag ni Boss Toyo sa mediacon.
“Dahil nag-guest ka rito, pupunta rin ako doon (sa shop niya).
“Actually, maraming nag-o-offer sa kanya. Kababayan natin.
“Magaling na artista! Frist time niya. Natural na natural na artista. Innate na sa kanya.
“Hindi siya magging isang Boss Toyo kung hindi siya magaling kumonek sa mga tao. Nagpa-vlog ka. Pinapaliwanag mo ang message na gusto mong iparating sa kanila.
“Ibig sabihin nu’n, may puso ka at may utak ka,” deklarasyon ni Boss Toyo.
Mas pinalaki ang action scenes, mas ginastusan at mas pinuno ng aral ang bagong season ng Bong Revilla sitcom na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” mula sa direksyon ni Enzo Williams.
VICTORY SONG SARILING KOMPOSISYON
NAGWAGI bilang grand champion ang clasher na si Nabi Naya sa “The Clash 2024” last Saturday.
Nakalaban ni Naya ang kapwa niya babae na si Choe.
Sa simula ng labanan ng dalawa, feel naming si Naya ang mananalo dahil sa piniling kanta na “Natural Woman” at hindi kami nagkamali.
Bukod sa winning song, first time na kinanta ni Naya ang “Bituing Pangarap,” ang kanyang victory song na original composition.
Milyon ang halaga ng premyong naiuwi ni Naya na binubuo ng cash, bahay at lupa, sasakyan at contract sa GMA.
Congratulations!