Claudine

‘Boss Claudine,’ pambola ni mark sa dating gf

January 11, 2022 Ian F. Fariñas 329 views

MATAPOS ang mahigit 25 years, tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik-tambalan ng dating reel/real-life pair na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa drama-mystery movie na Deception.

Mabigat ang tema ng balik-tambalan ng dalawa dahil tungkol ito sa betrayal at pagiging imperfect ng justice system sa bansa, ayon sa co-producer nitong si Atty. Ferdinand Topacio ng Borracho Film Production.

Bukod dito, ang batikan at multi-awarded director pang si Joel Lamangan ang namahala sa joint venture na ito ng Borracho at Viva Films kaya naman makakaasa ang Claudine-Mark fans ng isang memorable reunion project.

Dahil matagal-tagal silang hindi nagkita’t nagkatrabaho, natanong sina Claudine at Mark ng new discoveries nila sa isa’t isa habang nasa lock-in shooting.

Para kay Claudine, na-discover daw niya na mas lumalim pa si Mark bilang aktor at talagang pinag-aralan at in-explore nito ang role niya bilang mister niya sa movie.

“Sobrang gumaling si Mark, nag-mature siya as an actor at binigay talaga niya ang lahat ng requirements ni Direk Joel,” papuri ng aktres sa kapareha.

Si Mark naman, na “Boss Claudine” ang pambobola umanong tawag ngayon sa dating GF, sinabi na “inspiring” katrabaho ang aktres at “nag-bloom siya bilang lady, naging tunay na babae siya at napaka-loving mom niya bukod sa superstar natin siya.”

Naaliw naman si Claudine sa sinabi ni Mark sabay banggit na, “Working with Mark is very easy and we really have a good rapport.”

Anyway, exclusive na mapapanood ang Deception sa Vivamax simula January 28.

AUTHOR PROFILE