MPD Baseco Police station Nagsagawa ng malawakang clearing operation ang mga operatiba ng MPD Baseco Police station 13 sa kahabaan ng Mel Lopez Bvrd,at Port Area Manila,sa kabila ng walang tigil na buhos ng ulan sa Lungsod ng Maynila upang maiwasan ang mabilis na pagtaas ng pagbaha sa nasabing lungsod…Photo by:Jon-Jon Reyes

Borbe: Di lang kriminal dapat walisin kundi pati kapaligiran

August 2, 2023 Jonjon Reyes 380 views

HINDI lang mga kriminal ang dapat walisin kundi maging ang kapaligiran.

Ito ang naging pahayag ni Police Lt.Col.Rodel Borbe, MPD Baseco Police Station 13 commander, matapos magsagawa ng clearing operation sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard, partikular ang Port Area, Manila, Miyerkules ng umaga.

Intasan ni Borbe ang kanyang mga tauhan na linisin ang nagkalat na mga kahoy at mga basura na tinangay ng malakas na hangin at inanod ng baha dulot ng ilang araw na pag-ulan sa Maynila.

Ang clearing operation ay ipinatupad sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng may 130 kapulisan ng Tactical Motorized Rider’s Unit (TMRU) sa pangunguna ni Police Captain Joseph Egaña.

Ang clearing operation ay upang mapanatili ang zero obstruction sa kahabaan ng “Mabuhay Lanes” ayon sa direktiba ni “The Game Changer General MPD Chief PBGen. Andre P. Dizon.

AUTHOR PROFILE