Bora bomb
NAGLIYAB ang social media matapos mag-post ng sizzling photos ang social media star na si Chelsea Robato mula sa kanyang huling beach trip ngayong 2024.
Sa caption na “Last beach trip for 2024!,” ibinahagi ni Chelsea ang ilang hot snaps mula sa kanyang Boracay getaway, kung saan bawat anggulo ay parang eksena mula sa isang summer fantasy.
Sinuot ni Chelsea ang iba’t ibang sexy swimwear na halos nagpataob sa mala-pulbos na buhangin ng isla. Mula sa kanyang flawless curves hanggang sa kanyang confident poses, tila ipinamalas niya na siya ang tunay na reyna ng beach season. Idagdag pa ang kanyang nakakasilaw na beach glow at ang Boracay sunset bilang backdrop.
Bumaha ang mga komento mula sa kanyang mga followers. “You’re giving all seasons of vacations. What a life! Bring me with you next,” anang isang fan na halatang napa-wow sa kanyang post.