Booster

Booster para sa bayan

May 31, 2022 People's Tonight 279 views

Kabilang si Antipolo City Mayor-elect Jun Ynares sa nagturok ng ikalawang booster shot sa isang barangay health worker sa ceremonial vaccination sa “Sabay Savaxx” ng National Task Force na isinagawa sa SM Megamall sa Mandaluyong City. Nagbigay din ng kanyang mensahe si Mayor Jun Ynares, isang doktor, kung saan binigyang diin niya ang halaga ng bakuna, maging ng mga booster shots. Si Mayor Jun ang nagsilbing representante ng Lalawigan ng Rizal.

Kasama sa event ang mga kapwa nagbabalik na alkalde na si Mandaluyong Mayor Ben Abalos Sr., incumbent Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, at IATF kasama ang mga cabinet members na sina Secretary Vince Dizon, MMDA Chairman Romando Artes, DILG Undersecretary Jonathan Malaya, at Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

AUTHOR PROFILE