
Book 2 ng ‘Lolong’ abot 50 ang cast
BINAGO ng series na “Lolong” ang buhay ni Ruru Madrid. Ang GMA series ang nakatalo sa series ni Coco Martin nang una itong umere.
Kaya naman kahapon, sa mediacon ng series na may title na “Lolong: Bayani ng Bayan,” ipinagsigawan ni Ruru na ang series ng nagpabago ng kanyang buhay.
True enough, dahil magbabalik ito simula Lunes, January 20. This time, mas maraming dagdag na cast kaya umabot sa 50 stars ang makakasama ni Ruru.
Sinlaki ng buwayang si Lolong nang ipanood sa media at fans ang trailer ng series dahil walang tipid at maaksyon ang mga eksena, lalo na nu’ng may nangyari sa gumanap sa asawa niyang si Shaira Diaz, huh!
Ang mga artista na bagong makakasama ni Ruru sa “Lolong” ay sina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda at Tetchie Agabayani.
IVANA TINAPOS ANG ENDORSEMENT
GOODBYE na ang sikat na social media influencer na si Ivana Alawi sa sikat na brand na LVNA by Drake Dustin. ‘Yan ay ayon sa post ng kanyang lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso sa Facebook.
Naging endorser and later on ay investor si Ivana ng LVNA by Drake Dustin-Cebu branch.
Sa post ni Atty. Joji, nagkaroon ng legal concerns sa contract between Ivana and Drake Dustin.
Nagkaroon daw ng verbal arrangement ang dalawa to rescind their agreement.
“The matter on formal rescission of the agreement has already been filed and is now before the Regional Trial Court.
“As such, the use of Ms. Alawi’s name or image for purposes of LVNA’s brand endorsement or business dealings is considered unauthorized and must not be recognized in any capacity,” ayon pa sa post ni Atty. Joji.