Bong Lani

Bong, may pa-‘Kap’s Agimat Birthday Giveaway’

September 21, 2021 Ian F. Fariñas 280 views

GAYA nu’ng nakaraang taon, sa halip na mag-celebrate kasama ang pamilya at mga kaibigan, mamamahagi ng tulong at papremyo si Sen. Bong Revilla sa kanyang kaarawan.

Babalik sa Facebook Live ni Sen. Bong Revilla ang Kap’s Agimat Birthday Giveaway na gaganapin sa mismong kaarawan niya sa Sabado, Setyembre 25 at Linggo, Setyembre 26.

Gaya ng mga nakaraan niyang pa-Amazing Giveaway, santambak na gadgets (laptop, cellphone at iPad) ang ipamimigay, dagdag pa ang Kabuhayan package at cash prizes para maihatid ang tulong sa taumbayan saan mang sulok ng bansa.

Sa mga interesadong sumali, mag-fill-out lang sa Google form link at isumite ito sa social media account ni Sen. Bong Revilla.

Kailangang mag-subscribe sa kanyang official You Tube Channel at i-click ang notification bell upang masigurong updated sa kanyang pa-giveaway.

Buksan lamang ang https://bit.ly/AGIMATBIRTHDAYGIVEAWAY para sa Google form link.

‘Limitless’ ni Julie Anne, nag-trending

Nagpapasalamat ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa lahat ng nanood at sumuporta sa first part ng kanyang online show na Limitless, A Musical Trilogy na nag-premiere noong Biyernes, Sept. 17, at nag-trend sa social media hanggang kinabukasan.

Sa first part nito na Breathe, dinala ni Julie ang mga manonood sa Mindanao kung saan hindi lang niya ibinahagi ang kanyang musika kundi pati na rin ang kultura ng local residents na nakasama niya.

Tinuring nga ni Julie na ‘masterpiece’ ang nasabing musical journey produced by GMA Synergy at sana nga raw ay samahan pa siya ng mga concert-goer sa susunod na dalawang leg na Heal at Rise.

AUTHOR PROFILE